Alam mo bang sa Pilipinas ay may halos 60 milyong subscibers ng Globe, Smart, Sun, TM at Red Mobile na gumagastos ng P1.2 bilyong texts messages araw araw? Mahigit 95% ng bilang na iyan ay prepaid users. Ibig sabihin, malaki ang market ng prepaid products. Hindi pa kasama diyan ang mga Prepaid Internet at Online Gaming na usung-uso ngayon.
Gaano katagal ka nang may cellphone? Nagkaroon ka na ba ng discount kapag bumili ka ng load? O kaya naman ay kinailangang lumabas sa kalagitnaan ng gabi upang magpa-load? Noong nag-“pasa load” ka sa kapatid o sa kaibigan mo, kumita ka ba? Napansin mo bang lagi ka lang gumagastos kada load mo?
Baliktarin natin ang nakasanayang sistema! Gamitin natin ito upang kumita ng pera!
Imagine, kung ikaw ay mabibigyan ng LIFETIME DISCOUNT tuwing bibili ka ng iba’t ibang prepaid load (mahigit sa 300 prepaid products) at maaari kang magsimula ng sarili mong NEGOSYO (Nationawide/Worldwide) sa murang kapital na makapagbibigay sa iyo ng malaking KITA, saan mo ito gagamitin?
KAGANDAHAN SA PAGIGING VMOBILE TECHNOPRENUER:
1. Simple Products – Napakadaling ibenta dahil hindi mo na kailangang magpaliwanag sa tao kung anong produkto ang ibinibenta mo. Hindi mo na kailangang mag-demo o magpakita ng mga testimonials. Walang buwanang quota at wala ring expiration date. Basta’t load, automatic na ‘yan!
Mga halimbawa ng mga maaari mong ibenta: (Comes in all Denominations)
a) Prepaid Cell Phone Load - Globe, Smart, Sun, TNT, TM, Red
b) Prepaid Internet Load - Blast, ISP Bonanza, Frequency, etc.
c) Prepaid Landline Load - Bayantel, Globelines, PLDT, etc.
d) Prepaid Broadband Load - Smart Bro
e) Prepaid Online Games Load - Level Up Games, Mobius Online, etc.
f) Prepaid Satellite/Cable TV Load - ABS-CBN TFC, Dream Satellite, Sky Cable
g) Prepaid Tutorial/Review Cards - Carl Balita, Englishlink, Prime Logic, etc.
h) Prepaid LBC Products - Cakes and Flowers
i) Prepaid AXS Card Load - MRT Electronic Stored-Value Access Card
2. Basic Necessity – halos hindi mo na kailangang ibenta dahil ito ay BINIBILI! Ang tao na mismo ang lalapit sa’yo! Ang load ay nauubos ARAW-ARAW, kaya posibleng araw-araw din ang balik ng mga customers upang magpa-load.
3. Accessibility – maari kang mag-load o magbenta ng mahigit sa 300 prepaid products kahit saan at kahit kailan, hindi mo na kailangang pumunta pa sa tindahan. Hindi mo na rin kailangan ng iba’t ibang SIM Cards para sa bawat cellphone networks. Isang SIM Card lang (one load wallet) ang kailangan para sa lahat ng prepaid products.
4. Savings – 10-14% discount sa lahat ng prepaid products.
5. Convenience – bilang Retailer o Dealer, maari kang mag-replenish ng iyong load wallet sa kahit saang branch ng VMobile Office, Bank of Philippine Islands (BPI), Banco De Oro (BDO), Metrobank at UnionBank. Maaari mo ring ipa-Auto Debit ang load wallet replenishment mo (SMS-Triggered Bank Auto-Debit).
6. Security – sakaling mawala ang iyong cellphone o SIM Card, ang pera sa iyong load wallet ay hindi mawawala dahil ito ay nasa VMobile System.
7. No Physical Inventory – lahat ng iyong transaksiyon ay nakalista sa VMobile System, sa sarili mong Online Account (Online Business Center). Online Loading (para sa Local at International Operation) kaya kahit nasaan ka man sa Pilipinas o kahit OFW ka na nakadestino sa abroad, maaari ka pa ring kumita.
VIDEO PRESENTATION